
Maling Akala
Ginawa ko naman lahat diba? Binigay ko na lahat-lahat pero ba’t ganun, parang wala lang nagyari. Simula pa man noon ikaw na, lahat nang pagnanakaw-pansin sa iyo ginawa ko na. nagpaganda na ako, nagpatingkad sa bawat anggulo na meron ako pero lahat ng iyon parag hangin lang sa iyo. Lahat ng mga paghihirap na aking dinanas ay tiniis ko mapansin mo lang ako, magustuhan mo lang ako.
Kada hakbang nang iyong mga paa papalapit sa kung saan ako, ay siyang mas nagpapakabog sa aking hindi maipaliwanag na tibok ng aking puso. Akala ko oras na nating dalawa. Panahon na para mapagbigyan na ni tadhana na mahalin ako ng taong pinapangarap ko pero lahat ng yun ay napakalaking pagkakamali pala, napakalaking maling akala na hindi ko matanggap-tanggap dahil akala ko ako yung gusto mo, na ako na dapat pero iba pala yung gusto mo. Yung gusto mo na kailanman ay hindi magiging ako dahil siya ay tsinelas at ako ay isang sapatos. Ginawang sapatos at masisirang sapatos pa rin. Pagkatapos mong sabihing “miss, ito yung bibilhin ko, tsinelas,” ay siyang pagkawari ng aking isipan na hindi na ako aasa pang muli dahil lahat ng mga ginawa ko ay nawalang parang bula na lamang at nangangakong hindi ko na sasanayan pang muli ang aking sarili sa mga bagay na pwede naming wala sa buhay ko.





![FB_IMG_1535430512032[1]](https://themnhschronicle.home.blog/wp-content/uploads/2018/08/fb_img_15354305120321.jpg?w=720&h=720)

Matag-ob National High School Logo