ISPORTS LATHALAIN

IMG20181012092857[1]

Hampas ng Tagumpay

By Leemar Tampos

Hampas dito,hampas doon.Ito’y isang labanan ng lakas at liksi.

Ganyan mailarawan ang larong table tennis.Ito’y isang laro na kailangan ng matinding koordinasyon ng mata at kamay upang maipanalo ito,kailangan ng maglalaro na makakuha 11 puntos laban sa isang katanggal.

Ang manglalaro ay kailangang manalo sa dalawang set,kung sa kaling bawat manlalaro ay nananalo ay isang set mag kakaroon ng pangatlung set.

Ang nasabing laro ay ginanap sa Holy Cross Parish Carigara,Leyte.

Sa nangyaring laro kanina sa pagitan nina Aaron Nick Javinas ng Tanango Blue Eagle at Baron Alexander Secorataay napapatunayan na ang lakas at determinasyon ay susi ng panalo.

Tungo nitong mga hampas,maaabot ang ninanais na pangarap kaya ito ay hampas ng tagumpay. #

ISPORTS

IMG20181012091959[1].jpg

Carigara Red Lion, hinampas ang Tabango Blue Eagles

By Leemar Tampos

                Hinampas ng Carigara Red Lion, ang Tabango Blue Eagles gamit ang matinding lakas sa team na Carigara Red Lion na ginanap sa Holy Cross Parish of Carigara, Leyte, kanina, sa dako ng alas nuebe ng umaga.

Ipinamalas ng dalawang koponan ang kani-kanilang opensa ngunit namayagpag si Alexander Barron nang bumulusok ang nagliliyag na drivespin ni Aaron Nick Javinas at sinundan ng rolling ni Alexander Barron kung saan nahirapang ibalik ito ng kalaban sa unang set ng law, 11 – 8.

Kinontrol ng Carigara Red Lion ang laro at hindi na hinayaang nakaporma pa ang Tabango Blue Eagles nang ipinakaita ni Aaron Nick Javinas naglalagablab na block, ipinakita din ni Alexandet Barron ang kanyang nakmamanghang galaw na talaga naming nahirapan si Javinas na ibalik ang bola sa kanila, dahilan kaya sila nagningning sa ikalawang set ng laro, 11 – 6.

Tuluyang nalugmok ni Barron si Javinas gamit ang nakamamanghang galaw at sa huli nakamit ng Carigara Red Lion ang tagumpay.

“Kailangan prepare palagi at practice more” bulalas ni Alexander Barron

“Kailangan kong magimprove” sabi ni Aaron Nick Javinas. #

EDITORYAL

IMG20181012131415TRAIN LAW: Dapat o ‘Di dapat?

by Marielle Montefalcon

             Ang Tax Reform Acceleration and Inclusion Law, Republic Act.10963, o mas kilala bilang TRAIN LAW ay ang unang bahagi ang Comprehensive Tax Reform Program. Layunin ito na gawing mas madali, makatarungan at maayos ang pagkolekta ng buwis. Nais nito na taasan ang buwis ng mga mayayaman at babaan ang buwis ng mga mahihirap. Isa don sa mga panukala ng TRAIN law ay ang mga sumasahod kada buwan ng 20,833 pesos ay hindi na mag babayad ng income tax.Subalit katumbas niuto ay ang pag taas ng presyo sa ibang bilihin katulad ng asukal at langis.

             Sa pag-usbong ng TRAIN law, tumaas ang excise tax ng petroleum products. Hindi na mabilang ang sunod-sunod na pag taas ng presyo ng gasoline, diesel, LPG at kerosene.    Ang mataas na presyo ng gasoline at diesel ay ang dahilan ng pag taas ng mga bilihin kasama na dito ang ating pang araw-araw na pangangailangan.

             Ang buwis na ipirapatan ng TRAIN ay excise tax sa ilang produkto. Kaya ang buwis na ito ay magiging  bahagi ng presyo ng bilihin at serbisyo.Ngunit naaapektuhan pa rin nito ang mga dukha, hindi nasasabayan ng iba ang paggtaas ng presyo.

             Kung maraming makukulektang buwis maraming matutulungan naghihirap na mga pamilya mga programang para sa bayan na ika-uunlad ng ekonomiya ng ating bansa.At isa sa napatupad ng gobyerno ay ang TRAIN law.Ano nga ba ang train law? Nakakatulong ba ito?

               Ang pagpaplago ng kita upang tulungan mapondohan ang programang,Build,Build,Build tungkol sa mga proyektong  imprastraktura sa taong 2020.

               Ipinapatong ng mga negosyante sa presyong kanilang produkto ang itinaas na presyo ng petrolyo .Sapul lahat ng mga mamayan ang ganitong uri ng buwis o excise tax, mayaman man o mahirap. Bumili ka nang produkto, nagbayad kapa ng buwis.

               Ang TRAIN law ay  may magaganda at masamang epekto ngunit sa kabila ng lahat na ito ay dapat tayong lahat maging wais. #

LATHALAIN

IMG20181012084214[1].jpg

Sandigan ng Katotohanan

By Irah Jane Sunian

                Sa larangan ng pamamahayag ay may isang babaeng nangingibabaw sa lahat. Wasto at komprehensibong impormasyon ay kaniyang hatid.

Isang lalake ang nagging panauhign tagapagsalita kanina sa aming programa na, Media Conference. Tinalakay niya tungkol sa nagkakaiba’t-ibang fake news sa social media. May mga tunog ang iilan sa mga estudyanting dumalo ay agad naman niyang sinagot.

Isang mabait na kaibigan na handang ibahagi ang kaniyang karrunungan sa mga kabataan. Siya at nag-aral noon sa Manila Bulletin, at nakapagtapos sa Leyte Normal University. Isa rin siyang qualifier habang siya noon ay mag-aaral pa.

Matalino at maspag sa kaniyang larangan ng talagang hindi natin mapangingilangan. Bilib ka sa kanyang husay at galing na hindi mo inakala.

                Ang husay talaga ni Marie Tonette Grace Maricio. Siya ay napakagaling at saksakan ng talino. Nagsisilbing inspirasyon at gabay sa kabataang tulad ko na hindi natitinag at panay na sandigan ng katotohanan. #

LATHALAIN

IMG20181012125527[1].jpg

Matamis na Abot-Kaya

By Irah Jane Sunian

                Bugtong-bugtong: Anong pagkain ang kulay puti na magaspang na may kalambutan, matamis at hind nakakaumay. Ano ito?

Nahulaan mo ba kung ano ang kasagutan? Kung hindi isipin mo ulit kung ano ang mga bagay na may katangian na ganito.

Magaspang. Malambot. Puti. Matamis.

Kung hindi parin, balikan nyo ang panahon ng inyong kasanggulan. Hindi ba at pare-pareho naman tayo ng unang pagkain na nakilala? Ang gatas na minsan ay nakakahon noon na naging panghimagas na ngayon.

Pastillas de leche o mas kilala sa pangalan na pastillas na ipinakilala noon ng mga Espanyol. Gawa ito sa gatas ng baka o sa kalabaw at asukal. Kaya naman mabentang-mabenta ito sa mga bata at maging ang mga matatanda.

Isa na ito sa mga kadalasang inihahain bilang panghimagas noon, na nagging meryenda, pampalipas oras at pang aliw sa bibig ngayon. Sino ba naman kasi ang aayaw kung ang halaga nito ay abot kaya naman. Sa halagang limang piso ay swak na swak na.#

BALITA

                             IMG20181012084201[1].jpg

Manila Bulletin manunulat, dumalo sa DSPC Media Conference

By Flordaline Donayre

 

Ngayong Oktubre 12, 2018, dumalo ang isa sa mga manunulat ng Manila Bulletin na si Bb. Marie Tonette Grace Marticio, isa sa mga panauhing tagapagsalita sa DSPC 2018 (Division Schools Press Conference), Media Conference sa Cong. Alberto T. Aguja Memorial Central School, Carigara, Leyte.

Itinalakay niya ang isa sa mga pangunahing isyu ang Fake News. Sinagot niya ang mga tanong ng mga nangangarap na maging journalists, tungkol sa nasabing isyu.

“Do not share those informations which we know that are not true”, aniya sa tanong na kung paano maiwasan ang fake news. Inilarawan niya ang fake news na isang “malicious information”.

“Step up on the game, level up our skills as a journalist. We have our own ethics”, sabi niya sa mga kapwa journalist, para mapigilan ang paglaganap ng fake news.#

BALITA

IMG20181012080135.jpgDSPC 2018 nagsagawa ng Mini-Media Conference

by Flordaline Donayre

                Division Schools Press Conference 2018 (DSPC) nagsagawa ng Mini-Media Conference, Oktubre 12, 2018 sa Cong. Alberto T. Aguja Memorial Central School, Carigara, Leyte, na may temang “Fostering 21st Century Skiils and Character-Based Educationthrough Campus Journalism”.

Isinagawa ang Mini-Media Conference para magbigay ng updates sa Online Publishing at Collaborative Desktop Publishing.

Isang manunulat mula sa Manila Bulletin ang pangunahing tagapagsalita siya ay si Bb. Marie Tonette Grace Maricio.

Tinalakay niya ang pangunahing isyu na hinaharap ngayon ng bansa ang Fake News. #

 

MATAAS NA PAGTAAS

uaap-81.jpgMataas na Pagtaas

                Ang University Athletic Association of the Philippines Season 81 tournament ay ang ika-81 season ng UAAP para sa 2018-2019 school year.

Ang UAAP ay itinatag noong 1938, ay isang Athletic Association ng mga unibersidad sa Metro Manila sa Pilipinas. Ang walong mga paaralan ng miyembro ay Adamson University (AdU), Ateneo de Manila University (AdMU), De La Salle University (DLSU), Far Eastern University (FEU), National University (NU), University of the East (UE), University of the Philippines-Diliman (UP), and University of Santo Tomas (UST). Ang mga koponan ng varsity mula sa mga kumpanyang ito ay nakikipagimpluwensiya taun-taon sa 28 na mga kaganapan ng liga mula sa 15 sports upang Manalo para sa pangkalahatang pamagat ng championship katulad ng, badminton, baseball, basketball, beach volleyball, chess, fencing, football, judo, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, track and field and volleyball.

Ang isang malaking sporting event na nakabukas sa buong dekada, walang duda, nakaranas ng makatarungang bahagi ng mga malaking pagbabago at pagpapabuti sa sistema nito.

KAAKIT-AKIT NA CARIGARA

IMG20181011090123.jpgKaakit-akit na Carigara

Tsing! Tsing!

Mga tunog na aking narinig nang ako’y magsimula sa paglalakad sa halos umabot na 5514 na hakbang. Tila ang dalawa kong talampakan ay gusto nang tumigil at mga pawis na naghahabulan sa pagdalos sa aking asul na damit.

Di maiiwasan ang “Tubig! Tubig!” na mga linya ng mga taong sabik sa kainitan. Tanging bitbit ng mga kamay ay ang mga paying upang makaiwas sa init na dulot ni araw.

Habang ako’y sumasakay, akala ko puro lang mga bolo ang aking makikita. Ngunit, nung kami ay huminto sa park. At hindi basta-bastang parke dahil dito matatagpuan ang Carigara Bay. Kahit ikaw ay maaakit rin, dahil sa tanawin at masariwang hangin.

Habang ako ay nasa parade, napapansin ko ang mga bahay ay napakaganda tila isang makalumang tradisyong disenyo, malaki at makulay.

Kapag ika’y nakapunta rito, para mo lang silang nakilala na. Dahil sila’y mababait, pagnakita mo sila bubungad and kanilang matamis na mga ngiti. Kahit hindi nagkakaintindihan dahil s amagkaibang lingguwahi, nagakakaintindihan parin dahil sa mga ngiting pinapahiwatig.

Masagana rin ito sa mga nagkakaibang pagkain bawat sulok na iyong pupuntahan ay di maiiwasang mayroong pagkain. Pag ditto ka maglalakbay, tiyak na ika’y palaging busog. Dahil dito rin matatagpuan ang tanyag na asalubong ng bayan dahil sa nagkakasarapang mga produkto na maaaring ibigay sa mga mahal sa buhay.

Ito ang pinakasikat na produkto rito dahil sa nagkakabibang hugis ng mga bolo. Dahil tinawag rin ito bilang “Sundang ng Carigara”.maraming dumadayo ditto upang bumili nitong mga produkto. Na pawing lahat ng bolo ay nakaparada sa gilid ng daan.

Halina’t pumunta rito, talagang ika’y matutuwa pag nakapunta ka rito. Ang magandang ikapunta rito ay tuwing oras ng paglybog ng araw, kaya’t ito talaga’y kaakit-akit na Carigara.