LATHALAIN

IMG20181012125527[1].jpg

Matamis na Abot-Kaya

By Irah Jane Sunian

                Bugtong-bugtong: Anong pagkain ang kulay puti na magaspang na may kalambutan, matamis at hind nakakaumay. Ano ito?

Nahulaan mo ba kung ano ang kasagutan? Kung hindi isipin mo ulit kung ano ang mga bagay na may katangian na ganito.

Magaspang. Malambot. Puti. Matamis.

Kung hindi parin, balikan nyo ang panahon ng inyong kasanggulan. Hindi ba at pare-pareho naman tayo ng unang pagkain na nakilala? Ang gatas na minsan ay nakakahon noon na naging panghimagas na ngayon.

Pastillas de leche o mas kilala sa pangalan na pastillas na ipinakilala noon ng mga Espanyol. Gawa ito sa gatas ng baka o sa kalabaw at asukal. Kaya naman mabentang-mabenta ito sa mga bata at maging ang mga matatanda.

Isa na ito sa mga kadalasang inihahain bilang panghimagas noon, na nagging meryenda, pampalipas oras at pang aliw sa bibig ngayon. Sino ba naman kasi ang aayaw kung ang halaga nito ay abot kaya naman. Sa halagang limang piso ay swak na swak na.#

Leave a comment