TRAIN LAW: Dapat o ‘Di dapat?
by Marielle Montefalcon
Ang Tax Reform Acceleration and Inclusion Law, Republic Act.10963, o mas kilala bilang TRAIN LAW ay ang unang bahagi ang Comprehensive Tax Reform Program. Layunin ito na gawing mas madali, makatarungan at maayos ang pagkolekta ng buwis. Nais nito na taasan ang buwis ng mga mayayaman at babaan ang buwis ng mga mahihirap. Isa don sa mga panukala ng TRAIN law ay ang mga sumasahod kada buwan ng 20,833 pesos ay hindi na mag babayad ng income tax.Subalit katumbas niuto ay ang pag taas ng presyo sa ibang bilihin katulad ng asukal at langis.
Sa pag-usbong ng TRAIN law, tumaas ang excise tax ng petroleum products. Hindi na mabilang ang sunod-sunod na pag taas ng presyo ng gasoline, diesel, LPG at kerosene. Ang mataas na presyo ng gasoline at diesel ay ang dahilan ng pag taas ng mga bilihin kasama na dito ang ating pang araw-araw na pangangailangan.
Ang buwis na ipirapatan ng TRAIN ay excise tax sa ilang produkto. Kaya ang buwis na ito ay magiging bahagi ng presyo ng bilihin at serbisyo.Ngunit naaapektuhan pa rin nito ang mga dukha, hindi nasasabayan ng iba ang paggtaas ng presyo.
Kung maraming makukulektang buwis maraming matutulungan naghihirap na mga pamilya mga programang para sa bayan na ika-uunlad ng ekonomiya ng ating bansa.At isa sa napatupad ng gobyerno ay ang TRAIN law.Ano nga ba ang train law? Nakakatulong ba ito?
Ang pagpaplago ng kita upang tulungan mapondohan ang programang,Build,Build,Build tungkol sa mga proyektong imprastraktura sa taong 2020.
Ipinapatong ng mga negosyante sa presyong kanilang produkto ang itinaas na presyo ng petrolyo .Sapul lahat ng mga mamayan ang ganitong uri ng buwis o excise tax, mayaman man o mahirap. Bumili ka nang produkto, nagbayad kapa ng buwis.
Ang TRAIN law ay may magaganda at masamang epekto ngunit sa kabila ng lahat na ito ay dapat tayong lahat maging wais. #